

Nakakailang kasi. Bawat salita mo dapat maingat ka. Dahil sa oras na napasarap ang usap mo sa kanya. Baka malaglag ka, baka sabihin mo sana ikaw na lang at hindi yung kasama niya ngayon.
Huwag.. Huwag na huwag mong gagawin yun. Huwag mo silang tutuksuhin. Maaring makasira ka ng relasyon. Pero nasa tao naman yun kung magpapadala sila sa tukso na hatid mo. Kung loyal ba talaga sila, kung masyado ba siyang tapat sa bf/gf niya.
Nakakailang lang din kausapin sa kadahilanan na alam mong may magagalit. Parang ang iisipin mo para saan pa? Kung taken na rin naman. Lahat ng sasabihin ko dito parang formality na lang na makikinig siya sakin.
Para sa isang normal at single na tao. Sa tingin ko mas masarap kumausap ng taong single. Dahil mas intense yung pwede niyong pag-usapan. Kahit anong topic pwede niyong pag-usapan. Hindi tulad nang may ka relasyon. Lahat ng salita maingat.
Hmm. Oo nga.